top of page
Search

Quarantine

Hi! How was your life these past few days? weeks? months? Well, kung ako tatanungin sobrang ang dami ko nang dapat ikwento. Sobrang daming nangyari lalo na nung nagdaan ang mga buwan.

First, I was so worried before mag lockdown. Daming thoughts na pumapasok sa isip ko like saan ako kukuha ng pera if ever na mag lockdown nga. Then March 16 (My ADO) Our President announcing nga na magkarron ng ECQ Enchanced Community Quarantine which is ibig sabihin ay bawal kang lumabas from your house (except kung may bibilhin kang sa labas and if you have you Qpass and if you're a worker but basically hindi ka makakalabas kasi nga nilockdown ni President ang buong NCR even mga traspo ay wala so you need to stay at your home lang)


So ayun na nga after he announced ay maraming nagulat, nalungkot (dahil pati trabaho nila ay maapektuhan) isa na ako doon dahil laking pangamba ko saan kami kukuha ng ipangkakain namin lahat. Big thanks sa pinagtatrabahuhan ko hindi kami pinabayaan buong lockdown dahil may sahod kami.

At isa pa sobrang pasalamat ko na nakauwi muna ako sa bahay bago maglockdown. Yung lockdown talaga na no transpo dahil March 15 matapos i-announced ni President na ECQ kinabukasan, March 16 nakabiyahe pa ako pa-Bacoor para kunin ang gitara ko at sinamahan ako ni Arjay.




Si Arjay




Si Arjay na nalockdown kasama ang pamilya ko. Hindi namin ito inaasahan pareho na mangyayari ito pero eto ang isa sa mga magandang nangyari sa ECQ;

ang nakasama siya.

Hindi ko siguro ito makakalimutan lalo na ito ang nagbigay ng rason para lalo kong mahalin si Arjay. Lalo ko siyang nakilala , nawalan na ako ng hiya kapag kasama ko siya. Dito ko napagtanto na anag sarap pala talaga magmahal kapag nasa tamang tao ka.


Naging bonding din namin ang paglalaro ng UNO Card. Sa unang araw din ng ECQ (di pa Liquor ban) ay uminom kami nila Peng at Tawe(mga pinsan ko) (means nasa bahay sila nalockdown sila kasama namin pero si Peng ay nagawan pa ng paraan nasundo pa ng Papa niya pero si tawe buong ECQ ay kasama din namin siya)

Back to my story uminom na nga kami which is hindi pa ako nakikita ni Arjay na nakainom dahil wala pa naman kaming masyadong bonding. Fave ko kainuman mga pinsan ko sila Peng at Tawe dahil naririnig ko mga hinaing nila yung mga problema sa buhay buhay nila. Then si Peng nga unang nagsabi ng nararamdaman niya about sa lolo niya at yung about samin ni Ujin. Sobrang tinitingala niya pala si Ujin sila ni Tawe kasi nga kahit ganito nangyri samin ay ang galing niya parin sa school niya.

Umiiyak na kami habang nagkukwentuhan lalo na nung naopen yung topic noong last b-day ko, yung masalimuot na pangyayari noong b-day ko . Sinabi ko rin kay Peng na ang swerte niya kasi kahit ang dami nila hindi sila pinapabyaan ng mama niya at papa niya. Si Tawe naman na napariwara ay laging kinokompara kay Ujin daw dahil si Ujin nga kahit wala daw magulang maayos pain ang buhay at hindi katulad sa kanya.

Ang dami pang napagkwentuhan na nauwi din sa iyakan. Nang magsalita na si Eugene may inopen siya. Na sa totoo lang daw ayaw niya na magkaroon ako ng boyfriend talaga kasi pano na daw siya . Wala ng ibang susuporta sa kanya kung hindi ako lang. Napaiyak ako nang marinig ko iyon. Napatingin ako sa katabi ko na si Arjay at sinabi na, "Alam mo na". Natapos na ang inuman namin at nahiga na kami ni Arjay. Umiyak ako ng umiyak sa kanya. Napasabi siya na, "Oo ngayon alam ko na kung bakit ka ganyan. kung bakit ka ganun dati."

Dahil dati bukod sa galing pa akong relasyon noon, natatakot ako sumubok ulit dahil paano kung sa una lang din pala siya magaling at matulad sa past ko. Isa pa ayoko rin mawalan ng tiwala ang pamilya ko sa akin kaya ayoko pa talaga pero nagtiwala ako sa kanya kasi naramdaman ko kung gaano siya kapursigido sa akin.


Naging bonding din namin ang manood nang mga movies. Si Arjay taga download at taga kwento na rin. (lol! haha!)

Paano ba naman kasi halos lahat napanood niya na kaya siya ang nagsa-suggest ng movies. Iba't ibang genre pero nung mga naunang araw na nanood kami ay puro horror. Na hindi ko akalain na makakanood ako kasi sobrang matatakutin ko nga pero I did it! (Thanks sa pagpapalakas ng loob ko baby hehehe!)

Ang dami pa naming bonding.

Laro apple apple kiss, bumili rin siya badminton, yun nga nag uno kami. Gitara, at asaran.

Isa sa mga pinaka favorite ko na nangyari ay yung pinaglulutuan niya ako. Madalas siya nagluluto ng ulam namin lahat. Mga hapon punta kami palengke para mamili ng ilalagay sa ref at ayun siya pa magluluto. Siya rin nagiigib bumibili ng shampoo ko. (Sobrang pabebe ko sa kanya promise hehe!) Favorite ko na niluto niya ay yung steak at sardinas na may malunggay. Swear ang sarap!

Hilig din namin bumunot kila tombs dahil madalas kami manalo.


Siyempre kung may saya meron din lungkot. Dalas din namin mag away pero mga simpleng bagay lang naman kaya okay pa rin sakin yun.

Nagsisimula sa selos, sa pagkawala sa mood tapos yun away na (hahhaha!) Normal lang naman sa magkarelasyon yon kaya okay pa rin sakin.


Sobrang laking ng tulong ng ECQ sa relasyon namin ni Arjay kasi isa yun sa naging daan para magkaroon kami ng bonding sa isat-isa at hindi lang sa akin pati na rin sa pamilya ko. At isa pa sobrang legal na kami sa family ko na noong una ay akala ko hindi nila magugustuhan si Arjay pero hindi.T'wing uuwi ako lagi siyang hanap nila. Bukambibig nila kumbaga.


Masasabi ko lang na mas lalo ko siyang minahal. Mas lalo akong nagpapasalamat sa Panginoon na binigay niya sa akin si Arjay. Sobrang swerte ko sa kanya at wala akong masabi doon. Sa pag-aalaga, sa pagmamahal, sa efforts, atensyon na binibigay niya, yung seguridad na ako lang mahal niya, lahat yan nararamdaman ko; araw-araw.


Arjay, thank you. Sobra.

Lagi ako nag thank you sayo dahil sa mga ginagawa mo para sakin. Hindi mo ako pinapabayaan. Never mo ako pinabayaan. Hindi mo sakin pinaparamdam na may kulang sa sarili ko. Sobrang blessing ka sa akin baby. Hindi ko alam bakit ginawa sa akin ni Papa God 'to, na ibigay ang isang tulad mo na dati pinagdarasal ko lang.

(The best talaga si Papa God!)

Hindi man naging maganda ang nagdaang mga relasyon natin, siguro ay tadhana na mangyari iyon para yung dati nating wasak na puso ay tayo ang bubuo.


Thank you baby sa lahat ha? Ngayon ko lang nagawa 'to dahil walang oras. Apat na buwan pa lang tayo pero yung nararamdaman ko parang sobrang tagal na natin. At for sure na magtatagal tayo kasi pipiliin natin ang isa't-isa . Kahit anong mangyari tayo pa rin sa huli. Hindi mo lang alam na ikaw lang nakikita kong kasama ko sa lahat.

I love you baby.

Ikaw sa huli

Ikaw sa dulo

Ikaw at ikaw lang.




 
 
 

Comments


©2020 by Summer Leondale. Proudly created with Wix.com

bottom of page