Happy First!
- Cataleya Summer

- Feb 20, 2021
- 3 min read
Updated: Apr 30, 2024
Happy First, baby! Hindi ko alam kung ano talaga sasabihin ko. Baka maging thank you letter nanaman to haha!
Sa totoo lang doon talaga punta neto. Ewan siguro sa isang taon natin hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally (haha!) may isa na taong sure na sure sa akin.
Paano ba? Hmm
Hindi ka siguro maniniwala na sobrang hopeless romantic ko (kakawattpad ko yun haha!) Yung tipong lagi ako nag sasa-all sa mga couple. Nasa ako rin may mag-aalaga, may magtiyaga sa ugali ko, may umintindi.
Kahit lagi ko sinasabi na I'm strong Independent Woman, still gusto ko rin nang kalinga.
Tapos ayun na nga dumating ka. Walang ibang ginawa kung hindi mahalin ako. Sabayan lahat ng trip ko. Alagaan ako (huhu) na hindi ko naramdaman simula bata ako kaya lagi ayun yung pinag-aawayan natin diba? Kasi sobrang independent ko pati sayo na-aapply ko. Lagi mo sinasabi na kasi ako 'kaya ko'. Mali ka diyan hindi ko kaya. Pinipilit ko lang kayanin kasi ayun nakasanayan ko eh. Kumbaga wala akong choice kung hindi kayanin na lang. Sobrang problematic pa'ko kaya minsan nahihiya ako sayo. Ayoko pa talaga mag-boyfriend sa totoo lang kasi ayoko masira tiwala ng pamilya ko ayoko rin madamay ka sa kung ano man ang mga kinakaharap ko pero wala eh! Na-fall na (wew haha!) Sabi ko sa sarili ko siguro naman pwede na no? Kasi sabi mo iintindihin mo naman ako eh saka sabi ko gusto ko rin naman pagbigyan sarili ko kahit papano kaya sumugal na ko.
Hindi naman ako nagkamali sa desisyon ko. Thank you talaga ako na sumugal ulit ako kasi sobrang worth it. Sobrang saya ng puso ko lalo na alam kong nasa tamang tao na ako. Wala ka rin dapat ipag-alala na kung magsawa ba ako o maghanap pa ng iba. Sabi ko nga sayo sobrang hopeless romantic ko matagal ko 'tong pinangarap at pinagdasal na sana magkaroon ako ng ganitong klaseng relasyon. Marunong akong makuntento at alam mo naman diba kung gaano ako kahirap kausap personal man o chat lalo na pala sa chat napakatamad ko haha at hindi ako interesado sa iba duh!
Thank you sa sobra sobrang pag-aalaga, baby. Sa atensyon sa pagmamahal sa oras. Lahat ng yun sobrang naappreciate ko Sobrang thank you rin sa pag intindi sa akin lalo na sa responsibility ko. Salamat sobra dahil nandiyan ka lang para suportahan ako at sa mga problema nandiyan ka palagi para damayan ako. Salamat baby.
Pasensya na sobrang simple lagi ng regalo ko nahihirapan kasi ako pumili saka walang pera bwsahahahahah pero sa totoo lang ang hirap mong pilian parang meron ka naman lahat eh.
Mula sa puso ko 'tong regalo ko at pinag-isipan ko talaga no! QR Code lang yan pero lahat ng gusto ko sabihin nandiyan na hehe. Hindi ko ba alam kapag may gusto akong gawin sulat tula or anek-anek ikaw agad naalala ko hehehehe. Sana nagustuhan mo :))
I love you baby Happy First Anniversary akalain mo nga naman! hahahha!
More years to come at pakatatag lang tayo. Ikaw bawasan mo na pagiging paranoid mo ayun lang wish ko haha! Joke! Marami pa tayo pagdadaanan at alam kong malalagpasan natin yun. Thank you dahil hanggang ngayon consistent ka pa rin mas lalo nga lumala haha! Wala na ata makakatalo sa pagiging clingy mo! Pero thank you talaga, baby. The best ka.
Through ups and downs
I love you
❤️



Comments