top of page
Search

Thank you

February 12, 2020

You supposed to be in your house, sleeping but you choose to wait for me for about four hours. At nadagdagan pa ng isang oras ang paghihintay mo nang may aberya pang nangyari. Ang usapan ay pag out ko punta sa Moa eye doon tayo magkita.

Pagpunta ko sa Moa Eye Seaside wala ka doon, walang bakas nang anino mo. I chatted you kahit na alam ko na drained na nga yung phone mo, "Kung pinagtitripan mo ako hindi nakakatuwa".


Naiinis na 'ko sayo that time sabi ko pa ay hanggang 11pm ako mag stay doon at kapag wala ka pa sa oras na yon aalis na talaga ako at hinding hindi na kita papansinin. Nagpabalik balik ako nang tatlong beses terminal-moa eye, moa eye-terminal, terminal moa eye.

Pero alam mo ba yung inis na nararamdaman ko ay napunta na sa pag-aalala? Na baka isipin mo na hindi kita sinipot. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at gustong gusto ko nang umiyak.


Nag stay ako sa tapat ng Ferris Wheel mismo at lumilingon lingon nagbabakasakaling makita na kita.

I was teary eyed na that time and my heart was beating so fast; pag aalala, inis, galit, halong emosyon na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon-- hanggang sa paglingon ko nakita na kita.


Finally! I was relieved at dali dali akong tumakbo ako papalapit sayo. Nakita ko mukha mo, sobrang lungkot at yung mga mata mong halatang galing sa pag-iyak.


"Sorry." tanging sambit ng utak ko.


Nang tuluyan na akong nakalapit sayo hinampas kita sabay pinakita ng chat ko sayo (kahit alam ko na drained ka nga hahahhaa!) na baka pinagtitripan mo ko. tapos ikaw parang hinang-hina kasi nga akala mo hindi ako sisipot, na baka pinapaasa kita.


Habang naglalakad tayo pa terminal nasa likod lang kita. Ako salita nang salita habang ikaw may kinukuha ka na pala sa bag mo.

Tumabi ka sakin na sa paglalakad at binigay yung rose at mga chocolates mong binili. Ofcourse sinong hindi kikiligin?

Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko but that time hindi na dahil sa kaba dahil na sa tuwa. (hahahahhaha korni!)


Kumain tayo sa Mang Inasal sa Baclaran at after non hinatid mo ako sa bahay mismo.

I was very happy and felt special on that day. Feel ko ang girly ko sa mga oras na 'yon hahahhaha!

But thank you so much! Hindi mo naman kailangan gawin yung mga ganyan but still thank you sa efforts! So much appreciated!

 
 
 

Comments


©2020 by Summer Leondale. Proudly created with Wix.com

bottom of page